Matagal ko nang pinag-iisipan gumawa ng sariling blog. Bigo ako noon mahanapan ng panahon isakatuparan sa pamamagitan nito ang mga kathang walang tigil palutang-lutang sa aking imahinasyon; Maraming responsibilidad na kailangan unahin at mga prayoridad na dapat pagtuunan ng kaukulang pansin. Magkaminsa'y matagal bago ako bisitahin ng antok. Ang pagkagat ng dilim ang nagsisilbing batingaw para maglabasan mula sa aking isipan ang samu't-saring ideya, lumilikha ng animo'y pelikula na walang katapusang gumigiling sa aking ulirat.
Bago ko nasimulan itong paunang salita, maraming pangalan ng blog ang naglaro sa aking isipan. Maraming beses akong nagpalit ng pangalan kaya't ang paunang salitang ito'y dumaan din sa ilang pagbabago bilang pag-aakma sa pangalan ng blog. Bakit "Undress Me Gently"? Kasi para kang naghuhubad sa ibang tao sa pagbahagi mo sa kanila ng iniisip mo, ng nararamdaman mo, ng mga importanteng aspeto ng buhay mo, at ang pagkilala sa isang indibidwal ay hindi nadadaan sa paspasan. Kaalinsabay nito ang pag-asang mas mauunawaan ka ng kaulayaw mo dala ng iyong paggiging makatotohanan sa iyong sarili at sa kanila.
Batid ko ang takot maging personal blogger. Hindi ka ligtas sa pagkilatis ng sinuman sa mundo na may koneksyon sa Internet. Bukod diyan, hindi ako eksperto sa pagsusulat ng ganitong tipo - 'yun bang parang diary o journal. Nagsusulat lang ako tungkol sa mga personal na bagay kung kailan ko, 'ika nga natin, "feel". Isa pa, limitado pa rin kahit paano ang bokabolaryo ko sa Filipino. Pero sa kabilang banda, nakakapagpalaya ang makapagbahagi ng nasasaisip at nasasapuso mo sa pamamagitan ng pagsusulat - putaktihin man ito ng batikos, yakapin ng pang-unawa o paulanan ng papuri.
Ingles ang gagamitin kong midyum ng komunikasyon para sa blog na ito para mas maraming tao ang makatagpo ng kaugnayan sa aking mga akda (akda raw, o!). Pero dahil walang kasing sarap ang makapagbasa ng sulatin sa wikang sarili, gagamitin ko rin ang Filipino paminsan-minsan. Ngayong nasa ibang bansa na ako, mas lalo ko pa dapat panatilihing buhay at pagtibayin sa aking sarili ang isa sa mga matayog na pagkakakilanlan ng ating kultura - wika - sa pagsusulat man o pakikipag-usap. Bakit 'kanyo? Itanong kay Jose Rizal. Sagot niya? Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy sa malansang isda.
Marahil pinakadamang palagay ko sa pagkakaroon ng blog ay isa itong buntong hininga para sa mga taong tulad ko na naging daan ang pagsusulat sa pagpapayabong ng mga ngiti at paghihilom ng mga sugat na natamo habang namumuhay sa mundong ibabaw, gaano man kadalas o kadalang ang mga pagkakataong iyon. Ang mga panahong yaon ay mahahalagang bahagi ng ating personal na kasaysayan sapagkat ang mga ito'y mga pagkakataon ng pasasalamat at pagsubok, ng biyaya at kalinawan.
Dito sa panibago at panimula kong paglalakbay sa walang sukdulang kalawakan ng blogosphere, mula sa aking isipan hanggang sa computer screen ng sinumang makatagpo sa aking mga katha saan mang sulok ng daigdig, umaasa akong mas makikilala ko pa ang aking sarili at ang munting unibersong ginagalawan ko. Sa pamamagitan nito'y makakapag-ambag ako ng kahit kaunting bahagi ng aking pagkatao sa mundo.
Sa ngayon, hanggang dito na muna at maraming salamat.

hmmmm....medyo nagulantang ata sa lalim ng pananalita mo...then i realized...wait a freakin' minute, it's the tagalog version of the freakin' english one!!!!bwahaha!!!!anyway, i always knew were smart, but i did not realize how deep you can get...hmmmmm....must explore some more....keep writing! jeni g.
ReplyDeleteBuena mano ka sa first post ko, ah! Salamat. Hamo't pagsisikapan kong magsulat, partikular maghanap ng panahon at gumawa ng paraan para makapagsulat, lalo pa't very demanding at challenging ang industriyang ginagalawan natin.
ReplyDelete