Malaking tulong sa karaniwang mamamayan ang pampublikong transportasyon. Bagamat mas matagal ang biyahe, abot-kaya ang halaga. Isa ako noon sa libu-libong sakay ng mga bus, dyip, MRT, LRT, taksi at traysikel sa Kalakhang Maynila; nakikipagsabayan sa libu-libong taong paroo't parito. Sa pagsisimula ko dito sa Amerika, pampublikong transportasyon din ang tuwina kong karamay sa pagbibiyahe.
High-tech ang mga bus dito sa Los Angeles county! Karamiha'y may live map kung saan makikita ang lansangang tinatahak ng bus at iba't-ibang kalye sa paligid na dadaanan nito. Meron pang crawler (para sa mga hearing-impaired) kung saan mababasa ang paparating at susunod na hinto, at voice over (para sa mga vision-impaired) na magsasabi ng gayunding impormasyon. May 1-800 number din na tutukoy kung saan ka maghihintay, ano'ng bus ang sasakyan mo at ano'ng oras ang pick-up ng bus. Sasabihin mo lang ang panggagalingan at paroroonan mo. Pati haba ng biyahe at oras ng dating sa destinasyon, malalaman mo. Hanep!
Pagsakay ko ng bus isang araw, tinanong ko yung drayber kung dadaanan ang ganitong abenida. Palibhasa immigrant din tulad ko at hindi pa siguro bihasa sa Ingles, tumango lang siya, ngumiti ng bahagya at tinuro sa akin kung saan ko dapat ihulog ang barya. "Naku," sabi ko sa sarili ko, "mukhang mapapasabak ang navigating skills ko." Nalaman ko rin na ang partikular na bus na iyon, palibhasa ibang linya, ay walang live map, crawler at voice over. Ganda.
High-tech ang mga bus dito sa Los Angeles county! Karamiha'y may live map kung saan makikita ang lansangang tinatahak ng bus at iba't-ibang kalye sa paligid na dadaanan nito. Meron pang crawler (para sa mga hearing-impaired) kung saan mababasa ang paparating at susunod na hinto, at voice over (para sa mga vision-impaired) na magsasabi ng gayunding impormasyon. May 1-800 number din na tutukoy kung saan ka maghihintay, ano'ng bus ang sasakyan mo at ano'ng oras ang pick-up ng bus. Sasabihin mo lang ang panggagalingan at paroroonan mo. Pati haba ng biyahe at oras ng dating sa destinasyon, malalaman mo. Hanep!
Pagsakay ko ng bus isang araw, tinanong ko yung drayber kung dadaanan ang ganitong abenida. Palibhasa immigrant din tulad ko at hindi pa siguro bihasa sa Ingles, tumango lang siya, ngumiti ng bahagya at tinuro sa akin kung saan ko dapat ihulog ang barya. "Naku," sabi ko sa sarili ko, "mukhang mapapasabak ang navigating skills ko." Nalaman ko rin na ang partikular na bus na iyon, palibhasa ibang linya, ay walang live map, crawler at voice over. Ganda.
Todo-alerto ako sa mga street sign. Para akong may leeg ng giraffe at mga mata ng lawin sa pagmatyag sa mga bintana. Ilang beses ko ding tinitingnan ang printed schedule. Kabado ako kasi may takdang oras ang hinto ng mga bus dito. Kapag nalampasan mo, sira ang schedule mo, at malamang hindi ka makakarating sa paroroonan mo sa tamang oras.
Ilang saglit pa, nasilayan ko na ang street sign na inaabangan ko! Muntik ako mapasigaw ng "Para!" Hinila ko ang kordon para tumigil ang bus at bumaba ako. Binasa ko ang pangalan ng kalye sa street sign at sa schedule. Tama! Isang ngiti at buntong-hininga ang pinakawalan ko. Pero namalikmata ako sa hawak kong papel. May nakaligtaan ako. Tama ang isang lansangan pero mali yung isa! Hindi iyon ang intersection na dapat kong binabaan! Aaarrggh!
Bumalik ako sa bus stop at naupo sa bench para hintayin ang susunod na bus. Sheet! Ayokong ma-late! Tila dalawang oras ang dalawampung minutong paghihintay. Para hindi mabato at marelaks-relaks ng konti naisipan kong kumanta (sa isipan lang, ikaw naman). At hindi ko naiwasan bumirit ng:
"Liman-dipang taong nag-uunahan
Sa uunting sasakyang nagdaraan
Sayang ang d'yipning kanina'y lulan
At ngayo'y nagsisisi sa aking pagbubusisi
Malaking pagkakamali!
"Para, Mama, sasakay po
Liman-dipang taong nagtutulakan
Para, Mama, sasakay po
Liman-dipang taong nag-uunahan
Para na sabi, para na sabi
Para, Mama, para na diyan sa tabi."
Mga tatlong beses kong naulit yung kanta bago dumating ang sumunod na bus na may parehong karatula. Tiniyak ko ngayon sa drayber na mukhang Asyano na dadaan nga ito sa bababaan ko at sabihan niya ako kung malapit na. "Sige, hijo, ako'ng bahala," sagot niya! Aba, Pilipino! Okey pala'ng kumanta ng OPM sa bus stop. Para akong nagharana at nakatanggap ng matamis na sagot. Pagbaba ko, binigyan niya ako ng libreng tiket para sa susunod kong sasakyan.
Paglipat ko ng bus, inabisuhan ko ang drayber na sabihan ako pagdating namin sa ganitong kalye. Bumalik ang pagkakampante ko dahil may live map, crawler at voice over ang bus. Ilang hinto ang nagdaan at narating na namin ang isa sa dalawang lansangan na inaantabayanan ko. Hindi na 'kako ako magkakamaling bumaba sa unang sulyap ng isang kalye. Dapat tama ang dalawang kalye ng intersection.
Makalipas ang tatlumpung minuto, hindi ko pa nakikita sa live map ang pangalawang kalyeng inaabangan ko at nalampasan na rin namin yung nauna. Kumunot ang noo ko. Tiningnan ko ang schedule. Labinlimang minuto lang dapat ang biyahe mula sa pinanggalingan ko. Umiling-iling ako at napangiti ng malumanay. Nalampasan na nga namin ang dapat kong bababaan. Ayon sa drayber, hindi nakatakda sa crawler o voice over ang kalyeng hanap ko dahil pagpapatuloy ito ng isang pangunahing lansangan, at ang pangalan ng huli ang nakalagay sa mapa. Galing. Humingi siya ng paumanhin at binigyan ako ng tiket pabalik.
Hintay uli. Hindi ko na nagawang kumanta. Dumating ang bus makalipas ang dalawampung minuto. Sumakay ako sa ika-apat na pagkakataon at sa wakas nakarating sa destinayon. Pero mahigit isang oras na akong late sa appointment. Hindi na ako tinanggap. Bad trip - in both senses! Wala akong nagawa kundi magsimulang maglakbay pauwi.
Abang ako ngayon ng bus pabalik. Tanghaling tapat na at marahas ang sinag ng araw. Hindi ko na alam ang schedule ng bus sa ganoong oras kaya't walang katiyakan ang paghihintay ko. Nabatid ko na lang na madalang ang bus tuwing low hours. Isang oras din ang dumaan bago dumating ang isang bus. Isang oras, pare! Shet! Sakay ako agad. Ibinaba ako sa isang highway stop para doo'y maghintay uli. Liblib ang lugar. Walang bahay sa paligid. May abandonadong bodega sa likod ko at gusaling hindi pa tapos itayo sa harap. Isang munting kagubatan ang kinaroroonan ko.
Hintay uli. At sa muli kong paghihintay, hindi ko naiwasang maisip ang Maynila. Kung nandoon 'kako ako ngayon kakaway lang ako may titigil nang bus, dyip o taksi sa harapan ko - kahit saan, kahit kailan. Nagkalat din ang mga traysikel at pedikab sa bawat sulok. Nagawa ko uli maghintay ng isa pang oras, pero pagpalo ng orasan sa ika-animnapung minuto't wala pa ring bus, nagpasya na akong maglakad. At sa mga sandaling iyon nagtiwala uli ako sa biyayang hatid ng awiting Pinoy kaya't pumakawala ng:
"Hinahanap-hanap kita, Manila
Ang ingay mong kay sarap sa tenga
Mga dyipni mong nagliliparan
Mga lalake mong naggwa-gwapuhan (,")
Take me back in your arms, Manila
Promise me you'll never let go."
Tinulungan naman ako ng napagtanungan kong mga kasalubong para matunton ang bus stop. Katunayan, may isang ale, kasama ang dalawa niyang tsikiting, na hinatid ako. "You look like you need help," sabi niya. Hindi ako nagtipid sa pasasalamat. "Thank you very much for giving me a ride considering I'm a stranger," sabi ko.
Ilang saglit pa at dumating na sa wakas ang bus na maghahatid sa akin sa kabihasnan. Hindi ko maipaliwanag ang tuwa nang makita ko ang bus sa di-kalayuan, tumigil ito sa harapan ko at pasukin ko ang malamig na looban nito. Tila biktima ako ng isang kalamidad at ang bus ang dumating na rescue mission.
Sa totoo lang, maganda ang sistema ng bus dito - organisado. Tuloy mga pasahero nagiging maayos sa pagtala ng lakbayin nila, at hindi malayong maiangkop nila ang pagiging organisado sa maraming aspeto ng kanilang pamumuhay. Kailangan lang isaulo ang mga rota at oras ng biyahe at maging alerto sa kinaroroonan. At para sa akin, pihadong mas maganda ang biyahe kapag OPM ang humihirit sa sound system ng bus.
"Basta't tayo'y magkasama
Laging mayro'ng umagang kay ganda
Pagsikat ng araw
May dalang liwanag
Sa ating pangarap
Haharapin natin"
malakas ang loob mo. i rarely travel by bus, and if i do i'm armed with an extremely thick map. i like travelling by train tho. i find it a whole lot easier.
ReplyDeletehahaha... i can relate to you sa pagcommute dito sa amerika! - wilfred
ReplyDeletematiyagaon ka man magbasa, wilboy; kahuru-halaba kaining post ko. medyo nami-miss ko ngani mag bus buda tren ngonian na may awto na ako. hehehe. but i'm still using public transpo at times when it's more practical.
ReplyDelete