Lagpas 100 degrees Fahrenheit ang init sa Downtown L.A. nitong Labor Day weekend. Brutal, pare! Pinagpapawisan ka kahit wala kang ginagawa. Maging mga haligi at kagamitan sa bahay mainit. At ang kama ko parang ihawan; may init na nagmumula sa ilalim nito na para akong dahan-dahang nililitson habang natutulog.
Malas ko nga dahil suwak ang init sa oras ng pagtulog ko - mula umaga hanggang hapon kasi nga night shifter. Pero kahit sino 'di paututulugin ng init (lalo na kung walang erkon tulad ko), at lagi akong napapagising bandang ala una o alas dos ng hapon. Sa pangangailangang makatulog ng kahit anim na oras pumupunta ako sa kusina, binubuksan ko ang refrigirator at doo'y sumasandal at sinusubukang humimbing uli. Hindi naman ako makatulog kasi siyempre nakaupo ako. Hay, 'tang-init talaga!

Kaya ang sarap maligo nung mga araw na 'yon. Kung puwede lang magbabad sa bathtub na puno ng yelo, ginawa ko na. Kasi presko man ang pakiramdam mo matapos maligo, pawis ka naman na bago ka pa lumabas ng bahay. Hindi na nga ako nagtutuwalya no'n, eh. Air dry na lang - ambilis pa! Tapos maya-maya basa ka na uli dahil sa pawis. 'Tang-inis!
Naisipan ko ngang mag-hotel pero malayo sa kinaroroonan ko ang disenteng hotel at sobrang mahal daw ayon sa mga katrabaho ko. Pinayuhan ako bumilli ng portable aircon, yung nilalagyan ng tubig o yelo; kaya lang bukod sa wala akong sasakyan para pumunta ng appliance store, wala akong panahon mamili dahil duty nung tatlong gabing 'yon.
Nagsimulang bumaba ang temperatura nung Lunes, simula ng day off ko; pero mainit pa rin na nakatatlong beses akong paligo. Buti na lang malamig na ang ihip ng hangin ngayon tuwing umaga at gabi. Naku, sinusumpa ko talaga ang summer heat dito sa L.A. Sa tanang buhay ko 'di pa ako nakaranas ng ganitong init, kahit sa 'Pinas. Kaya ngayon pa lang kinontrata ko na ang ilang kakilala (na may erkon) na baka makitulog ako about the same time next year sakaling umabot muli sa unbearable degree and init dito.

No comments:
Post a Comment