Magaspang ang mga pisngi
Pintado ang mga braso
Maraming bakas ng sugat ang puso
Ng lalaki sa aking tabi
Puso ko'y nasa alapaap
Isipa'y pinananatili sa lupa
Dasal ay 'wag malunod sa pag-irog
Ng lalaki sa aking tabi
Tumatagos sa aking
kalamnan at kaluluwa
Lagablab ng kanyang hininga
Nakapulupot ng mahigpit
sa pumipintig kong dibdib
Makikisig niyang mga bisig
Ako'y naninibago
Ako'y nababahala
Subalit ako'y nahuhumaling
Sa lalaki sa aking tabi
Maraming nangirog at inirog
Mangilan ang muntikang mahalin
Subalit walang pumantay o humigit
Sa lalaki sa aking tabi
Bukas, makalawa,
maaaring magkasama
Pero lahat ng bagay ay pansamantala
Pagbabago'y tila isang
rumaragasang ilog
Lulutang ka ba o sadyang lulubog?
'Di umaasa sa magpakailanman
Pero 'di rin sa panandalian lang
Basta't masaya hangga't naririyan
Ang lalaki sa aking tabi
Panalangi'y wala sa kinabukasan
Pangamba'y nakakubli sa nakaraan
Kaligayaha'y dito at ngayon kapiling
Ang lalaki sa aking tabi
Ika-31 ng Mayo 2010
Pintado ang mga braso
Maraming bakas ng sugat ang puso
Ng lalaki sa aking tabi
Puso ko'y nasa alapaap
Isipa'y pinananatili sa lupa
Dasal ay 'wag malunod sa pag-irog
Ng lalaki sa aking tabi
Tumatagos sa aking
kalamnan at kaluluwa
Lagablab ng kanyang hininga
Nakapulupot ng mahigpit
sa pumipintig kong dibdib
Makikisig niyang mga bisig
Ako'y naninibago
Ako'y nababahala
Subalit ako'y nahuhumaling
Sa lalaki sa aking tabi
Maraming nangirog at inirog
Mangilan ang muntikang mahalin
Subalit walang pumantay o humigit
Sa lalaki sa aking tabi
Bukas, makalawa,
maaaring magkasama
Pero lahat ng bagay ay pansamantala
Pagbabago'y tila isang
rumaragasang ilog
Lulutang ka ba o sadyang lulubog?
'Di umaasa sa magpakailanman
Pero 'di rin sa panandalian lang
Basta't masaya hangga't naririyan
Ang lalaki sa aking tabi
Panalangi'y wala sa kinabukasan
Pangamba'y nakakubli sa nakaraan
Kaligayaha'y dito at ngayon kapiling
Ang lalaki sa aking tabi
Ika-31 ng Mayo 2010
i love it.
ReplyDeleteAddy Parreño
Sun, June 13, 2010 6:35:37 PM
salamat, kapusong addy. :)
ReplyDeleteteka...teka....sino itong "lalaking katabi" mo!?!
ReplyDeleteJennifer Guillem-Low
Sunday at 9:43pm
I would've had told you kung nakasama ka namin ni Frech sa "A Chorus Line". 'Di bale, kukuwentuhan kita sa "Twilight" date natin. :)
ReplyDeletepetes, isa kang makata.
ReplyDeleteQueenie Calma
Sunday at 11:09pm
Ibig mong sabihin, Muhal nu Reynuh, puwet-ic ako. :)) uy, tengk yu, ha. lol!
ReplyDeletegaling naman! :) very peeeeteeeee! :>
ReplyDeleteAhd Marco-Bautista
Monday at 7:44am
salamat, ahdwina. number one fan talaga kita. hahaha!
ReplyDeletenakakaintriga ang lalaking iyan. kailangang makilala... =)
ReplyDeleteClaireMichelle R Hernandez
Tuesday @ 3:28am
half of me wants to tell the world, half of me says not yet. i'm going with my latter half. :) salamat at naririyan ka pa rin, kaibigan. (,")
ReplyDeletepetes, pls translate. i dont understand waaaaah. all i know is that there is a guy sitting next to you or a guy right beside you. :|
ReplyDeleteGot an idea. :) Have a friend there read & translate to you. I like the thought of interpretation coming from a fellow reader instead of the author. :) Doesn't have to be our common friend. You might want to pick someone from your literary group. Have fun. Let me know what you think. (,")
ReplyDeletePedro, i read your poem and i'm so intrigued. So who's the guy!!!! :-)
ReplyDeleteGoni Gonzalez-Tagaysay
June 17, 2010 at 1:38pm
Goni, you cannot imagine how strongly my heart beats, eager to tell my closest friends about him. But I stop myself. Pa-luway-luwayon ko sana an emosyon ko ngonian. He who complements my life will be known when the right time comes.
ReplyDeleteTake your time and reveal whenever you're ready. I'm so excited for you though ... falling in love is such a wonderful thing. Big Hugs!
ReplyDeleteGoni Gonzalez-Tagaysay
June 27 at 5:16pm
Hmmmm...sino naman itong loverboy mo? That's great! So happy for you! have fun and take lots of pics! Stay well and give up that virginity already! Hehehe!
ReplyDeleteJennifer Guillem-Low
June 27 at 5:42pm